Sumusuporta na ngayon sa pang‑emergency na matutuluyan ang bawat pamamalagi sa Airbnb
Sa tuwing mamamalagi ka, nagbibigay ang Airbnb ng donasyong USD0.10 sa Airbnb.org para makatulong na magbigay ng libreng matutuluyan sa mga panahon ng sakuna, pagkakasakit, o krisis. Sa susunod na 5 taon, makakatulong itong magbigay ng USD500 milyon sa Airbnb.org.
Mag‑browse ng mga tuluyan
May isang milyong libreng gabi ng pamamalagi dahil sa mga biyaheng tulad ng sa iyo
Isang milyong libreng gabi ng pamamalagidahil sa mga biyaheng tulad ng sa iyo
Nakakatulong ang bawat pamamalagi para maabot ang target naming isang milyong libreng gabi kada taon pagsapit ng 2030.

Mamamalagi ka
Mag-enjoy sa na-book mong tuluyan o hotel. Nakakatulong ka sa mga pamilyang nangangailangan dahil lang sa pagbiyahe mo.

Magbibigay ng donasyon ang Airbnb
Nagbibigay ang Airbnb sa Airbnb.org ng donasyong USD0.10 para sa bawat pamamalagi para makatulong sa pagbibigay ng pang‑emergency na matutuluyan.

Libreng makakapamalagi ang mga pamilya
Binabayaran ng Airbnb.org ang matutuluyan, kaya makakapamalagi nang libre ang mga taong nangangailangan at mababayaran ang mga host gaya ng dati.
Pang-emergency na matutuluyan na parang sarili mong tahanan
Nagbibigay ang Airbnb.org ng mga panandaliang pamamalagi sa mga tunay na tuluyan para tulungan ang mga taong nawalan ng tirahan dahil sa sakuna, bumibiyahe para magpagamot, o nahaharap sa iba pang krisis.
1 ng 1 page
Nagkakaloob ng matutuluyan sa mahigit 135 bansa
Mula 2020, nakapagbigay na ang Airbnb.org ng 1.6 milyong gabi ng libreng pang‑emergency na matutuluyan.

May kuwento sa likod ng bawat pamamalagi
Alamin ang kuwento ng mga taong nabigyan ng matutuluyan ng Airbnb.org sa iba't ibang panig ng mundo.
Tingnan ang lahat ng kuwento1 ng 1 page
Higit pang paraan para makasuporta
Nakakatulong ang pamamalagi mo para makapagbigay ng matutuluyan ang Airbnb.org sa mga taong nangangailangan. May mga opsyon ka kung gusto mo pang makatulong.
1 ng 1 page
Mga madalas itanong
Paano nakakatulong sa Airbnb.org ang bawat pamamalagi sa Airbnb?
Nagbibigay ang Airbnb sa Airbnb.org ng donasyong USD0.10 mula sa kita nito sa bawat pamamalagi. Isang nonprofit na nakabase sa US ang Airbnb.org. Nakakatulong ang donasyon sa pagsusulong ng layunin nitong magbigay ng libreng pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong apektado ng sakuna, pagkakasakit, o krisis. Hindi ito nakakaapekto sa babayaran ng mga bisita o sa kikitain ng mga host.Sa pamamagitan ng bagong modelo ng pagpopondo na nakaugnay sa bawat pamamalagi, makakapagbigay ng USD500 milyon sa Airbnb.org sa susunod na limang taon. Sinusuportahan nito ang target ng Airbnb.org na makapagbigay ng isang milyong gabi ng libreng pang‑emergency na pamamalagi kada taon hanggang sa 2030.Ganito ang proseso ng mga donasyon ng Airbnb:
- Nagbibigay ang Airbnb sa Airbnb.org ng donasyong USD0.10 para sa bawat natapos na pamamalagi.
- Nagbibigay ng donasyon ang Airbnb para sa mga natapos na pamamalagi, hindi kasama ang mga pamamalaging kinansela bago ang pag‑check in.
- Hindi nagbibigay ng donasyon ang Airbnb para sa mga booking ng mga experience o serbisyo.
- Ibinibigay ang mga donasyon ng Airbnb sa Airbnb.org bilang mga kontribusyong in‑kind at pera sa buong taon para maisakatuparan at masuportahan ang pagkakawanggawa ng Airbnb.org.
- Sagot ng mga donasyon mula sa Airbnb ang mga gastos sa pagpapatakbo ng Airbnb.org at mga pang‑emergency na matutuluyan, kaya ginagamit ang 100% ng mga donasyon mula sa publiko para pondohan ang mga pang‑emergency na matutuluyan.
- Mula sa Airbnb ang mga donasyong ito at walang bahagi ng bayad mo para sa pamamalagi ang maibabawas sa buwis bilang kawanggawang kontribusyon.
- Magsisimula ang mga donasyong ito ng Airbnb sa Oktubre 28, 2026 at patuloy na ibibigay ang mga ito.
- Puwedeng baguhin o wakasan ng Airbnb o Airbnb.org ang modelong ito ng pagpopondo anumang oras.
Paano nauugnay ang Airbnb sa Airbnb.org?
Hiwalay at independiyenteng kawanggawa ang Airbnb.org na itinatag ng Airbnb noong 2020 para magbigay ng libreng pang‑emergency na matutuluyan sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa sakuna, bumibiyahe para sa medikal na pangangalaga, o iba pang krisis. Nakarehistrong 501(c)(3) na nonprofit na organisasyon ang Airbnb.org sa US.
Kailan maaabot ng Airbnb.org ang target nitong isang milyong gabi kada taon?
Layunin ng Airbnb.org na makapagbigay ng isang milyong gabi ng libreng pang‑emergency na pamamalagi kada taon. Dahil dito, mabilis na mapapalawak ang suporta para sa mga taong apektado ng sakuna, pagkakasakit, o krisis.Umabot na sa USD500 milyon sa kabuuan ang mga donasyon ng Airbnb sa Airbnb.org mula sa bawat pamamalagi kasama ang dagdag na suporta mula sa Airbnb at iba pang nagbibigay ng donasyon. Sa pamamagitan nito, nilalayon naming makamit ang target pagsapit ng 2030.
Nakarehistrong 501(c)(3) na nonprofit na organisayon ang Airbnb.org sa U.S. (EIN: 83-3135259). Isa itong hiwalay at independiyenteng organisasyon mula sa Airbnb, Inc. at mga affiliate nito. Nasa 888 Brannan Street, San Francisco, CA 94103, U.S.A. ang pangunahing lugar ng negosyo at address ng Airbnb.org. Ang website nito ay airbnb.org at ang numero ng telepono nito ay (415) 728‑0108.California: Nagbibigay ang Airbnb ng mga kontribusyon mula sa kada pamamalagi sa Airbnb.org kada tatlong buwan.New Jersey: Puwedeng makuha mula sa Attorney General ng Estado ng New Jersey ang impormasyong inihain sa Attorney General kaugnay ng panghihingi ng donasyon para sa kawanggawa na ito at porsyento ng mga donasyong natanggap ng kawanggawa sa nakalipas na panahon ng pag‑uulat na inilaan para sa layuning pangkawanggawa sa pamamagitan ng pagtawag sa 973‑504‑6215 at available ito sa internet sa http://www.state.nj.us/lps/ca/charfrm.htm. Hindi nangangahulugan ng pag‑eendorso ang pagpaparehistro sa Attorney General.New York: Available ang kopya ng pinakahuling ulat sa pananalapi na inihain ng Airbnb.org sa Attorney General ng Estado ng New York kapag hiniling sa Airbnb.org sa notices@airbnb.org, o sa Charities Bureau ng Attorney General ng Estado ng New York, 28 Liberty Street, New York, NY 10005. Makakakuha ng impormasyon tungkol sa mga kawanggawa sa www.charitiesnys.com o (212) 416-8401. Nagbibigay ang Airbnb.org ng mga kaloob sa iba pang nonprofit na organisasyon.Washington: Nakarehistro ang Airbnb.org sa Secretary of State ng Washington ayon sa iniaatas ng Charitable Solicitations Act. Makakakuha ng impormasyon sa Secretary of State ng Washington sa www.sos.wa.gov/charities o sa 1-800-332-4483.











