Tinulungan ni Amirul ang mga kapitbahay niya na bumangon pagkatapos ng sakuna

Ipinagdiriwang ni Amirul ang pangalawang araw ng Eid kasama ang pamilya niya sa bahay nila sa Putra Heights, Malaysia, noong umaga ng Abril 1, 2025, noong narinig nila ang parang malakas na ingay ng makina. May natanaw sila sa bintana na parang bolang apoy. Nayanig ang gusali. Agad nilang kinuha ang anak nila at tumakbo sa pinto, papalayo sa panganib.
May sumabog na tubo ng gas na nagdulot ng sunog. Dahil dito, nawalan ng tirahan ang mahigit 500 tao, nasaktan ang 150, at 81 tirahan ang nasira.
Nagtamo sina Amirul at mga kamag-anak niya ng mga second at third degree burn mula sa sunog.
Nakatira noon si Amirul sa Putra Heights kasama ang pamilya ng asawa niya. Nang mangyari ang pagsabog, kasama ni Amirul ang asawa niya, mga biyenan, at siyam na kamag-anak. Nakatakas silang lahat pero nagtamo ng mga second at third degree burn. Nawalan sila ng bahay, at nagkahiwa-hiwalay ang pamilya sa ospital at community shelter.
Nabalitaan ni Amirul ang libreng pang-emergency na matutuluyan sa Airbnb.org at nag-book siya ng isang buwang pamamalagi habang naghihintay sila ng pamilya niya ng mas pangmatagalang solusyon mula sa lokal na pamahalaan. Malapit ang tuluyan nila sa ospital, kung saan nagpabalik-balik sina Amirul at mga kamag-anak niya para magamot ang mga paso.“Ligtas na lugar ang tahanan. Lugar na komportable ang pakiramdam. Kapag naroon kami, wala kaming pangamba.”

Superhost si Amirul at mabilis niyang na-book ang pang-emergency na matutuluyan. Pero marami sa mga kapitbahay niya sa shelter ang hindi pamilyar sa platform. Bagama't naka-wheelchair dahil sa mga paso sa binti, pumunta si Amirul sa mga lokal na meeting ng komunidad para ipaalam sa mga kapitbahay ang Airbnb.org at tulungan silang mag-sign up para makatanggap ng libreng pang-emergency na matutuluyan.

"Bilang host, naramdaman ko ang responsibilidad na tumindig at gabayan ang komunidad."
Pagkatapos mamalagi ni Amirul sa Airbnb.org, lumipat sila ng pamilya niya sa ibang apartment sa parehong gusali. Bumalik siya sa trabaho at patuloy na naghihilom ang pamilya niya. Plano nilang magsimula ulit sa Putra Heights.
Makibahagi
Sumali sa pandaigdigang komunidad na nagbibigay ng pang-emergency na matutuluyan sa oras ng sakuna.
Matuto paMay kuwento ang bawat pamamalagi
Kilalanin ang mga taong apektado ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.