Central Texas

Paghahanap ng matutuluyan pagkatapos ng pagbaha

The Hill Country flood memorial wall in Kerrville, Texas

“Nagising kami ng 5 AM noong may sheriff na kumatok sa pintuan namin. Inanod daw ng baha ang ilang bahay dito sa kalsada.”

- Skylyn, bisita sa Airbnb.org

Pagsapit ng umaga ng Hulyo 5, 2025, nagising sina Skylyn, ang kapareha niya, at ang sampung buwan nilang anak sa tubig na rumaragasa papasok sa bahay nila. Umuulan lang noong isang gabi, pero parang may rumaragasa nang ilog sa bakuran nila. Maraming tirahan ng kapitbahay ang inanod ng napakatinding baha.

Nawasak ang mga puno dahil sa baha sa Central Texas.

Sinubukan kaagad lumikas ng pamilya ni Skylyn pero nabalaho sa putik at mahigit tatlong talampakang tubig ang truck niya. Nalaman ni Skylyn na nagbibigay ng libreng pang-emergency na matutuluyan ang Airbnb.org sa mga naapektuhan ng baha sa pamamagitan ng All Hands and Hearts. Nakipag-ugnayan siya at mabilis siyang nakapag-book ng matutuluyan sa Airbnb.org sa malapit. Dahil sa matutuluyan na ito, nakapaglaro ang anak niya at nagkaroon siya ng pagkakataong isipin ang mga susunod na gagawin.

Karga ni Skylyn, isang bisita sa Airbnb.org, ang sampung buwan niyang sanggol habang nakaupo sa tinuluyan nila sa Airbnb pagkatapos lumikas sa baha.

Ang mag-inang Skylyn at Waylon

“Napakalaking ginhawa na makitang masaya ang anak ko kahit na sobrang nakaka-stress ng sitwasyon.”

- Skylyn, bisita sa Airbnb.org

Mabilis na kumilos ang mga first responder, boluntaryo, at mga team na pang-emergency para suportahan ang mga naapektuhan sa buong Central Texas. Tumutulong pa rin ang mga team na ito sa mga residente para makabangon at makapagsimula ulit. Nag-aalis sila ng putik, basura, at mga gamit na nababad sa tubig mula sa mga bahay na nasira ng baha.

Nagluluto sa kusina ng tinutuluyan nila sa Airbnb.org ang grupo ng mga boluntaryo mula sa All Hands and Hearts.

"Napakahirap isipin ng hitsura ng 30 talampakan ng tubig. Pagkatapos biglang may 30 talampakang pader ng tubig na rumaragasa sa ilog."

- Alix, bisita at boluntaryo sa Airbnb.org
Ang memorial wall ng pagbaha sa Hill Country sa Kerrville, Texas

Maraming boluntaryo ang nagtatrabaho nang 20 oras kada araw, kaya mahalagang malapit ang tinutuluyan nila. Nakapagbigay ang Airbnb.org ng matutuluyan ng mga boluntaryong grupo na may hanggang tig-12 tao para masiguradong makakapagpahinga sila, makakakain, at makakapag‑recharge nang magkakasama.Nagbigay ang Airbnb.org ng libreng pang‑emergency na matutuluyan sa Central Texas para sa mahigit 350 bisita.

Makibahagi

Sumali sa pandaigdigang komunidad ng mga taong nagbibigay ng pang-emergency na matutuluyan sa oras ng sakuna.

Matuto pa

May kuwento ang bawat pamamalagi

Kilalanin ang mga taong naapektuhan ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.