Pagbaha sa Chile

Hulyo 2026

Sa pakikipagtulungan sa Desafío Levantemos Chile, nagbibigay ang Airbnb.org ng libreng pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa atmospheric river at matinding frontal weather system sa Chile. Nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa 10 sa 16 na rehiyon ng Chile ang atmospheric river na Category 5, kasama ang magkakasunod na frontal system na nauugnay sa El Niño. Nagdeklara ang pamahalaan ng preventive state of emergency sa mga rehiyong ito habang nagbabala ang mga awtoridad tungkol sa mga kondisyong banta sa buhay, malawakang pagbaha, at matinding pinsala sa property. May naiulat nang mga nasawi at daan-daang libong sambahayan ang nawalan ng kuryente. Direktang makakapag‑apply para sa matutuluyan ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha kung nasa lugar na inatasang lumikas ang pangunahing tirahan nila at mabeberipika namin ang pagkakakilanlan nila. May Airbnb account ka dapat para maberipika ang pagkakakilanlan mo. Kung wala ka nito, puwede kang gumawa rito. Kung abiso sa paglikas o babala sa paglikas pa lang ang natanggap mo, hindi ka pa kwalipikadong makakuha ng pang‑emergency na matutuluyan sa Airbnb.org.

Para makatulong

Kung gusto mong tumulong sa pagbibigay ng mga libreng matutuluyan para sa mga taong naapektuhan ng pagbaha, puwede kang magbigay ng donasyon sa Airbnb.org. Direktang ginagamit para sa pang-emergency na matutuluyan ang 100% ng mga donasyon. Kung Airbnb host ka, puwede kang mag-sign up para mag-alok ng mga matutuluyang may diskuwento para sa mga apektadong residente. Nagbibigay ang Airbnb ng donasyon para sa mga pamamalaging ito sa Airbnb.org mula sa nakokolekta nitong bayarin sa serbisyo para sa host, at nagbibigay ito sa mga host ng AirCover para sa bawat booking.

May mga tanong ka ba?

Makipag-ugnayan sa team ng customer service para sa Airbnb.org. Makakasagot sila sa mga tanong at makakapagbigay ng suporta para sa mga bisita at host.

May mga tanong ka ba?

Makipag-ugnayan sa team ng customer service para sa Airbnb.org. Makakasagot sila sa mga tanong at makakapagbigay ng suporta para sa mga bisita at host.