Pagsabog ng linya ng gas sa Malaysia
Magkakapitbahay na nagtutulungan

Noong nabalitaan ni Jayden ang sumabog na linya ng gas sa Putra Heights noong Abril 2025, nakipag-ugnayan agad siya sa network niya para tumulong sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa sakuna.
Bilang CEO ng HostPlatform, nakikipagtulungan si Jayden sa libo-libong host sa Malaysia at Southeast Asia para mapangasiwaan ang mga listing nila. Kaya naman noong nalaman niyang nagbibigay ang Airbnb.org ng dalawang linggong libreng pang-emergency na matutuluyan sa mga taong naapektuhan ng pagsabog, hinikayat nila ng mga kasamahan niyang sina Ken at Eunice ang mga host sa Putra Heights na ipagamit ang mga tuluyan nila sa mga nangangailangan.
“Ikinalulugod naming makatulong at tumanaw ng utang na loob sa komunidad dahil responsibilidad namin ito bilang mga Malaysian”
Hindi natapos sa pakikipag-ugnayan ang pagtutuon nila. Dumalo rin sila sa mga pagpupulong ng komunidad at pumunta sila sa shelter kung saan namamalagi ang marami sa mga nakaligtas para tulungan silang mag-sign up sa Airbnb.org
Makibahagi
Sumali sa pandaigdigang komunidad na nagbibigay ng pang-emergency na matutuluyan sa oras ng sakuna.
Matuto paMay kuwento ang bawat pamamalagi
Kilalanin ang mga taong apektado ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.
1 ng 1 page