Pagpapanatiling buo ang mga pamilya kasama ang mga alagang hayop

Sa tulong ng Jinx, marami pang tao ang mabibigyan ng Airbnb.org ng libreng pang-emergency na matutuluyan kasama ang mga alaga nilang hayop pagkatapos ng sakuna.
Isang litrato ng pamilya nina Maile at Kai na nakaupo sa harapang hagdan ng tuluyan nila. Kasama nila ang tatlong aso: sina Blackie, Tiny, at Noelle.

Kilalanin sina Maile, Kai, at ang mga aso nila

“Sa totoo lang, kung wala ang Airbnb.org, wala kaming matutuluyan at sa kotse kami matutulog.” Ito ang sabi ni Maile tungkol sa libre nilang panandaliang tuluyan sa Airbnb.org. “Masaya akong makapaglaba. Masaya akong mapaliguan ang mga aso. Masaya akong makapagluto ng kumpletong pagkain. Nakapagluto ako ng almusal, tanghalian, at hapunan. Iyon ang normal kong gawain at masarap ito sa pakiramdam.”
Basahin ang kuwento nila

Walang alagang hayop na maiiwan sa panahon ng sakuna

Kapag lumilikas sa sakuna, 32% ng mga tao ang may naiiwan na aso ayon sa US ASPCA.Tinutulungan ng Airbnb.org ang mga taong nawalan ng tirahan na mag-book ng matutuluyan na mainam para sa alagang hayop para manatiling buo ang pamilya.
May dalawang maliit na aso na nakakandong sa isang tao. Nakatingala ang isa at nakaharap sa camera ang isa pa.

Nagbibigay ng donasyon ang Jinx para pondohan ang mga pang-emergency na matutuluyan na mainam para sa alagang hayop

Sa tulong ng Jinx, mas marami pang tao at mga alaga nilang hayop ang mabibigyan ng Airbnb.org ng komportableng matutuluyan para makabangon sila nang magkasama.Mahigit 900 gabi ng libreng pang-emergency na pamamalagi ang mapopondohan ng donasyon ng Jinx sa Airbnb.org para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sakuna.
Isang itim na aso na masayang nakabuka ang bibig ang nakatayo sa harap ng tao na may mga tattoo ang braso.
Salamat sa mga partner namin sa
Logo ng JINX

Modernong brand ng pagkain para sa alagang hayop ang Jinx. Nakatuon ito sa kapakanan ng mga aso at pusa.

Matuto pa