Pagbagsak ng eroplano sa Louisville

Suriin ang mga pamantayan sa pagiging kwalipikado para makapag‑apply para sa pang‑emergency na matutuluyan.

Nagbibigay ang Airbnb.org ng libreng pang-emergency na matutuluyan para sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa pagbagsak ng eroplano sa Louisville, Kentucky.Direktang makakapag-apply para makakuha ng matutuluyan ang mga residenteng naapektuhan ng pagbagsak ng eroplano kung nasa lugar na inatasang lumikas ang pangunahing tirahan nila at mabeberipika namin ang pagkakakilanlan nila. May Airbnb account ka dapat para maberipika ang pagkakakilanlan mo. Kung wala ka nito, puwede kang gumawa. Kung abiso sa paglikas o babala sa paglikas pa lang ang natanggap mo, hindi ka pa kwalipikadong makakuha ng pang‑emergency na matutuluyan sa Airbnb.org.

Para makatulong

Kung gusto mong tumulong sa pagbibigay ng mga libreng matutuluyan sa mga taong naapektuhan ng pagbagsak ng eroplano, puwede kang magbigay ng donasyon sa Airbnb.org. Direktang ginagamit para sa pang‑emergency na matutuluyan ang 100% ng mga donasyon. Kung Airbnb host ka, puwede kang mag‑sign up para mag‑alok ng mga may diskuwentong matutuluyan sa mga apektadong residente. Nagbibigay ang Airbnb ng donasyon para sa mga pamamalaging ito sa Airbnb.org mula sa nakokolekta nitong bayarin sa serbisyo para sa host at nagbibigay ito sa mga host ng AirCover para sa bawat booking.

May mga tanong ka ba?

Makipag‑ugnayan sa contact@airbnb.org