Bagyong Kona sa Hawaii

Matutuluyan na mainam para sa alagang hayop pagkatapos ng pagbaha

Napanatili nina Maile at Kai na buo ang pamilya nila, kasama ang mga aso, sa kabila ng pinakamalubhang pagbaha sa Hawai’i sa loob ng dalawampung taon.
Nakaupo sa couch sa tuluyan nila sa Airbnb.org si Maile at ang tatlo niyang aso.

“Inanod ng tubig ang lahat.”

- Maile, bisita sa Airbnb.org

Lampas lang nang kaunti sa hatinggabi noong Marso 20, 2026, nagising sina Maile at Kai sa gitna ng bagyo. Bumangon sila para ilipat ang mga sasakyan sa mas mataas na lugar. Hindi nila alam, wala na silang 30 minuto para mag-empake at lumikas.

“May 10 minuto lang kami para makaalis.”

- Maile, bisita sa Airbnb.org
Nakatuon sa kahoy na railing sa porch ang isang babae na may dilaw na gumamela sa buhok. Ipinapakita niya ang taas ng tubig sa lattice na pader

Walang iwananMabilis na dumating ang tubig. Noong nakita nilang hindi ito hihinto, nagmadali sina Maile at Kai na ilikas ang “wolfpack” nila. Ito ang tawag ni Maile sa lima nilang pinakamamahal na aso na sina Blackie, Tiny, Noelle, Sassy, at Choncho. Hindi sila puwedeng iwan.“Nauna pa naming kunin ang mga aso kaysa sa mga damit namin. Ang mga aso ang priyoridad.” - KaiNoong nakasakay na sina Maile at Kai kasama ang limang aso, abot na sa hood ng truck ang baha. Inanod sila sa lakas ng agos. Sa kabila ng lahat, kinaya ng makina ng sasakyan na iahon sina Kai at Maile mula sa baha papunta sa mas ligtas na kalsada at higit pang kawalan ng kasiguruhan.

Pansamantalang matutuluyan para sa tao at hayopPagkatapos ng bagyo, inilalarawan ni gobernador Josh Green ang pangyayaring ito bilang pinakamalubhang pagbaha sa Hawai’i mula 2004.  Pagbalik nila sa tirahan nila sa Haleʻiwa noong sumunod na araw, nakita nina Maile at Kai na binaha ang bahay nila ng ilang talampakan ng tubig. Napakalaki ng pinsala.

Nakatayo sa tuluyan ang isang babae. May mga kahoy kung saan dating may pader, tanda ng pinsala dahil sa bagyo

Sa komunidad umasa sina Maile at Kai para sa suporta. Umasa sila sa pamilya at mga kaibigan para sa matutuluyan at para tulungan silang mag-alaga sa mga aso noong nawalan sila ng matitirhan. Kalaunan, nakahanap sila ng pribadong matutuluyan at tulong mula sa Airbnb.org. Nakapag-book sila ng libreng matutuluyan kung saan nanatiling buo at ligtas ang pamilya. “Masarap sa pakiramdam na hindi namin kailangang pumili sa pagitan ng kaligtasan namin o ng mga aso. Puwede namang pareho, hindi ba? Napakaganda sa pakiramdam na makasama sila at mabuo ang pamilya namin.” - Kai

Isang lalaki at babae ang magkasamang nakaupo sa kama. Nakangiti sila habang umaakyat ang isang brown at isang itim na aso para samahan sila

Bilang respeto sa host, tatlo lang sa limang aso nina Maile at Kai ang isinama nila sa tuluyan sa Airbnb.org. Inalagaan ng malalapit na kaibigan ang dalawa pa nilang aso.

Ang halaga ng mga tuluyang mainam para sa alagang hayopPara kay Maile, mahalagang makasama niya ang mga aso, sa tuluyan man sa Airbnb.org o sa pamilya, para masimulan ang pagbangon mula sa pagkasalanta sa bagyo. “Biyaya ang tuluyan na ito. Napakasakit sa akin ang mahiwalay sa mga aso ko. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang mapalayo sa kanila sa anumang paraan.” - Maile

Isang lalaki at babae ang magkasamang nakaupo sa hagdan ng veranda. May kasama silang tatlong aso, isang maliit at mabalahibo, isang batik-batik, at isang tan na chihuahua. Sa likod nila ang isang nasirang bahay.

Dahil sa suporta ng mabubuting donor at host, nag-aalok ang Airbnb.org ng pang-emergency na matutuluyan na mainam sa mga alagang hayop para manatiling buo ang mga pamilya sa kabila ng mga natural na sakuna at iba pang krisis. Mga pamilya gaya kina Maile at Kai.Humigit-kumulang 5,500 tao ang pinalikas sa hilagang baybayin ng O’ahu noong mga bagyo sa taglamig noong Marso. Nagbigay ng 597 gabi ng libreng pang-emergency na matutuluyan sa kabuuan ang Airbnb.org sa mahigit 220 bisita“Nakatulong ang Airbnb.org sa maraming tao sa komunidad namin na alam naming nawalan ng tirahan.” - Kai

Makibahagi

Sumali sa pandaigdigang komunidad ng mga taong nagbibigay ng pang-emergency na matutuluyan sa oras ng sakuna.

Matuto pa

May kuwento ang bawat pamamalagi

Kilalanin ang mga taong naapektuhan ng mga sakuna at ang mga taong tumulong.