Sinusuportahan ng mga host ang mga first responder sa Pilipinas

“Hindi ko makakalimutan noong naikuwento sa akin ng isang nakaligtas ang naranasan niya. Sabi niya, nakakatakot iyon pero ayos lang dahil nakaligtas ang lahat ng kapamilya niya. Hindi ganoon ang naranasan sa isang malapit na bahay. May pamilyang namatay.”
Noong Setyembre 30, 2025, bago mag-10:00 PM, natamaan ng matinding 6.9 magnitude na lindol ang hilagang bahagi ng lalawigan ng Cebu sa Pilipinas. Pitumpu't siyam na tao ang namatay. Mahigit 128,000 pamilya ang naiulat na naapektuhan at mahigit 18,000 tahanan ang napinsala. Nawasak ang 3,500 mahigit sa mga iyon.


“Hindi pa kami nakaranas ng ganoon kalakas na lindol dati, kaya halos hindi kami makapaniwala at hindi namin alam kung paano tutugon. Napakatindi ng pagyanig ng mga gusali sa lahat ng bahagi ng Cebu.”
Nasa bahay ang mga Airbnb host na sina Mia S. at Pau G. sa Lungsod ng Cebu noong naramdaman ang unang pagyanig. Bagama't hindi kasinlala ng pinsala sa bandang hilaga ang pinsala sa Lungsod ng Cebu, naramdaman pa rin nina Mia at Pau ang lindol. Nag-alala sila sa mga kapamilya at bisita nila. Noong nalaman nina Mia at Pau ang pagkawasak na naranasan sa hilaga, ginusto nilang tumulong sa kahit anong paraan. Habang sinusubukan nilang makipag-ugnayan sa Angat Buhay para mag-alok na tumulong o magboluntaryo, nakatanggap sila ng notipikasyong na-book ang listing ng tuluyan nila sa Airbnb.org.


“Malaking tulong ito sa maliliit na organisasyon, lalo sa mga NGO na kaunti lang ang mapagkukunan. Dapat mapunta ang pondo nila sa mga nangangailangan at sa mga pangangailangan ng komunidad.”
Sabi niya, sa mga nakaraang relief operation, paminsan-minsang natutulog ang mga boluntaryo at kawani sa sahig ng mga opisina nang walang higaan kundi mga kubrekama lang para makatipid. O kaya, pinapatuloy nila ang mga team sa mga hotel. Pero malaki ang nagagastos dito.Iba ang pakiramdam sa pagkakataong ito dahil nabigyan siya at ang iba pang first responder mula sa Angat Buhay ng libreng pang-emergency na matutulugan sa pamamagitan ng Airbnb.org. Nakapagbigay ito sa kanila ng ilang sandali para magpahinga pagkatapos ng 14–16 na oras ng pagboboluntaryo sa mga lugar na naapektuhan at nailaan nila ang kalakhan ng pondo nila sa pagtulong sa mga nakaligtas dahil dito.

“Ang pagtutulungan nang walang inaasahang kapalit. Natural lang ito sa mga Pilipino.”
Sa Pilipinas, hindi lang salita ang bayanihan. Mahalagang prinsipyo nito ang diwa ng pagtulong at pakikibahagi sa pasanin. Pagpapahalaga itong nagtatampok sa kakayahan ng bawat indibidwal na mag-ambag sa pag-angat ng lahat sa komunidad.Ayon kay Mia, “Napag-alaman namin dahil sa Airbnb.org na may bagay kaming maiaalok para makatulong sa panahon ng pangangailangan.”

Umaasa sina Mia at Pau na maging inspirasyon ang kuwento nila sa iba para maging host sa Airbnb.org. Pagkatapos nilang patuluyin si Raffy, sinamahan pa nila siya at ang Angat Buhay bara magboluntaryo rin.Para kina Mia at Pau, buhay ang diwa ng bayanihan sa pagho-host sa Pilipinas man o sa ibang lugar.
Makibahagi
Sumali sa pandaigdigang komunidad ng mga taong nagbibigay ng pang-emergency na matutuluyan sa oras ng sakuna.
Matuto paMay kuwento ang bawat pamamalagi
Kilalanin ang mga taong naapektuhan ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.



