Lindol sa Pilipinas

Hunyo 2026

Nakikipagtulungan ang Airbnb.org sa Save the Children para magbigay ng libreng pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa lindol sa Pilipinas. Direktang makakapag‑apply para sa matutuluyan ang mga residenteng naapektuhan ng lindol kung nasa lugar na inatasang lumikas ang pangunahing tirahan nila at mabeberipika namin ang pagkakakilanlan nila. May Airbnb account ka dapat para maberipika ang pagkakakilanlan mo. Kung wala ka nito, puwede kang gumawa rito. Kung abiso sa paglikas o babala sa paglikas pa lang ang natanggap mo, hindi ka pa kwalipikadong makakuha ng pang‑emergency na matutuluyan sa Airbnb.org.

Para makatulong

Kung gusto mong tumulong sa pagbibigay ng mga libreng matutuluyan sa mga taong naapektuhan ng lindol, puwede kang magbigay ng donasyon sa Airbnb.org. Direktang ginagamit para sa pang-emergency na matutuluyan ang 100% ng mga donasyon. Kung Airbnb host ka, puwede kang mag-sign up para mag-alok ng mga matutuluyang may diskuwento sa mga apektadong residente. Nagbibigay ang Airbnb ng donasyon para sa mga pamamalaging ito sa Airbnb.org mula sa nakokolekta nitong bayarin sa serbisyo para sa host, at nagbibigay ito sa mga host ng AirCover para sa bawat booking.

May mga tanong ka ba?

Makipag‑ugnayan sa contact@airbnb.org