Sa tuluyan nagsisimula ang kaginhawahan

Sa pamamagitan ng libreng pang‑emergency na matutuluyan sa Airbnb.org, nabibigyan ang mga tao ng matutuluyang hindi lang basta masisilungan sa panahon ng sakuna o krisis—isa itong lugar kung saan puwede silang muling maging komportable. Kapag nagbigay ka ng donasyon, ginagamit ang 100% ng mga donasyon para pondohan ang pang‑emergency na matutuluyan.
Magbigay ng donasyon
Sa litrato, nakaupo ang isang ina sa higaang nasa storm shelter at nakatingin sa kasunod na katabing eksena kung saan may nakangiting bata sa kama sa loob ng kaaya-ayang kuwarto.
Sa litrato, nakaupo ang isang ina sa higaang nasa storm shelter at nakatingin sa kasunod na katabing eksena kung saan may nakangiting bata sa kama sa loob ng kaaya-ayang kuwarto.

Libreng pang-emergency na matutuluyan

Isang nonprofit ang Airbnb.org na nagbibigay ng libreng pang‑emergency na matutuluyan sa mga taong naapektuhan ng mga sakuna at iba pang krisis. Puwedeng pumili sa Airbnb ang mga taong nangangailangan ng matutuluyang malapit lang sa kanila. Nag-aalok ang Airbnb ng mahigit walong milyong listing sa iba't ibang panig ng mundo.
Magkasamang nakaupo sa sahig ang isang bata at ang aso niya sa komportableng tuluyan sa Airbnb.org.

Ginagamit ang 100% ng mga donasyon para pondohan ang pang‑emergency na matutuluyan

Sagot ng Airbnb ang mga pang‑araw‑araw na gastos ng Airbnb.org, kaya lahat ng donasyon ang nagpopondo ng mga pang‑emergency na matutuluyan. Ibig sabihin, ang mga taong nangangailangan ay libreng makakapag‑book ng Airbnb na naaangkop sa mga pangangailangan nila.
Sa pamamagitan ng libreng matutuluyan sa Airbnb.org, magkakaroon ng komportableng tuluyan ang pamilya pagkatapos ng sakuna.

Kilalanin ang mga taong natulungan namin

Pamilya Benn
Mga wildfire sa LA
Pamilya Benn
Skylyn
Mga pagbaha sa Central Texas
Skylyn
Vanderson
Mga pagbaha sa Brazil
Vanderson
Benepisyaryong si Tawnessa
Mga pagbaha sa Washington
Tawnessa
Roie
Wildfire sa Jasper
Roie
Amirul
Pagsabog ng linya ng gas sa Malaysia
Amirul
Eshele at Brayden
Mga wildfire sa LA
Eshele at Brayden