Pagbaha sa Skagit
Nakikipagtulungan ang Airbnb.org sa Washington 211 para magbigay ng libreng pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa pagbaha sa Skagit, Washington.Kung ikaw o ang isang kakilala ay naapektuhan ng pagbaha, puwede kang makipag‑ugnayan sa Washington 211 para mag‑apply para sa matutuluyan. Para makakuha ng matutuluyan, may Airbnb account ka dapat para maberipika ang pagkakakilanlan mo. Kung wala ka nito, puwede kang gumawa rito.
Kung gusto mong tumulong sa pagbibigay ng mga libreng matutuluyan sa mga taong naapektuhan ng baha sa Skagit, puwede kang magbigay ng donasyon sa Airbnb.org. Direktang ginagamit para sa pang‑emergency na matutuluyan ang 100% ng mga donasyon. Kung Airbnb host ka, puwede kang mag‑sign up para mag‑alok ng mga may diskuwentong matutuluyan sa mga apektadong residente. Nagbibigay ang Airbnb ng donasyon para sa mga pamamalaging ito sa Airbnb.org mula sa nakokolekta nitong bayarin sa serbisyo para sa host at nagbibigay ito sa mga host ng AirCover para sa bawat booking.