Mga wildfire sa Washington
Agosto 2026
Sa pakikipagtulungan sa Washington 211, nagbigay ang Airbnb.org ng libreng pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa ilang aktibong wildfire sa estado ng Washington. May pansamantalang natuluyan ang mga residente sa mga sumusunod na county at tribal community na nawalan ng tirahan dahil sa mga wildfire:- Spokane, Stevens, Chelan, Okanogan, Yakima, at Ferry county
- Mga tribal community ng Spokane, Colville, at Yakima
Para makatulong
Kung gusto mong tumulong sa pagbibigay ng mga libreng matutuluyan sa mga taong naapektuhan ng mga wildfire, puwede kang magbigay ng donasyon sa Airbnb.org. Direktang ginagamit para sa pang-emergency na matutuluyan ang 100% ng mga donasyon. Kung Airbnb host ka, puwede kang mag-sign up para mag-alok ng mga matutuluyang may diskuwento para sa mga apektadong residente. Nagbibigay ang Airbnb ng donasyon para sa mga pamamalaging ito sa Airbnb.org mula sa nakokolekta nitong bayarin sa serbisyo para sa host, at nagbibigay ito sa mga host ng AirCover para sa bawat booking.
May mga tanong ka ba?
Makipag-ugnayan sa team ng customer service para sa Airbnb.org. Makakasagot sila sa mga tanong at makakapagbigay ng suporta para sa mga bisita at host.
May mga tanong ka ba?
Makipag-ugnayan sa team ng customer service para sa Airbnb.org. Makakasagot sila sa mga tanong at makakapagbigay ng suporta para sa mga bisita at host.