Pagbuo ng mundo kung saan tanggap ang lahat
Misyon ng Airbnb.org na gawing posible ang pagpapagamit ng tuluyan, pagbabahagi ng mga mapagkukunan, at pagbibigay ng suporta sa panahon ng kagipitan. Gayunpaman, hindi lahat ay may patas na oportunidad sa mga mapagkukunang ito. Kaya nangako kaming gawing priyoridad sa ginagawa namin sa araw-araw ang pagsisiguro sa dibersidad, pagkakapantay-pantay, ingklusyon, at accessibility.
Ang aming mga pangunahing pangako kaugnay ng dibersidad, pagkakapantay-pantay, ingklusyon, at accessibility
Noong Abril 2021, inanunsyo ng Airbnb.org ang tatlong pangunahing pangakong siguruhin ang dibersidad, pagkakapantay-pantay, at ingklusyon. Nakasalalay sa mga pangakong ito ang magiging ugnayan namin sa mga bisita at host, pakikipagtulungan namin sa mga nonprofit na organisasyon at ahensya ng gobyerno, at sa sarili naming team ng Airbnb.org.
Bilang organisasyon, nangangako kaming:
- Gawing priyoridad sa aming programa at pagsisikap ang mga taong mula sa mga marginalisadong komunidad na dati nang nakakaranas ng limitadong access sa mga mapagkukunan bunga ng paniniil na panlipunan, pangkultura, pang-ekonomiya, at pampolitika.
- Tiyakin na pare-pareho ang kalidad ng mga serbisyo at matutuluyan na matatamasa ng sinumang bisitang makikituloy sa pamamagitan ng Airbnb.org.
- Bumuo ng team na may dibersidad at ingklusyon na naglalayon na bago matapos ang 2025 ay hindi bababa sa 33 porsyento ng mga manggagawa namin sa US ang mula sa mga minoryang kulang sa representasyon.
Noong 2022, isinulong namin na kailangang isama ang accessibility bilang natatanging bahagi ng aming pangako. Isasaayos namin ang aming pangako kaugnay nito sa 2023.
Ganito namin isinasakatuparan ang aming pangako
Para matupad ang mga kasalukuyan naming pangako kaugnay ng dibersidad, pagkakapantay-pantay, ingklusyon, at accessibility, kami ay:
- Nakikipagtulungan sa mga organisasyon at nonprofit sa komunidad na nangangakong siguruhin ang pagkakapantay-pantay gaya namin. Kapag nagkakaroon ng kagipitan, nakikipagtulungan ang aming mga team sa mga lokal na organisasyong naglilingkod sa mga marginalisadong komunidad. Nakipagtulungan kami kamakailan sa mga organisasyong gaya ng:
- Each One Teach One na nagbibigay ng suporta sa mga taong may kapansanan at mga taong hindi mamamayan ng Ukraine na nawalan ng tirahan dahil sa kaluguhan sa Ukraine
- Black Women for Black Lives na tumulong sa 2,000 African na estudyante sa Ukraine na makahanap ng mga libreng matutuluyan sa labas ng bansa
- ORAM, isang subsidiary ng Alight, na tumulong sa mga LGBTQ+ na lumilikas mula sa Ukraine na makahanap ng matutuluyan at suportang panlipunan sa Berlin at iba pang lungsod sa Europe
- Nakikipagtulungan sa mga nangungunang eksperto sa dibersidad at pagkakapantay-pantay para matulungan kaming matasa at mapahusay ang ginagawa namin upang makamit ang mga layuning ito. Isang pangunahing partner ang We All Count, isang organisasyong nagsusulong ng paraan ng pananaliksik na nakatuon sa pagkakapantay-pantay. Noong 2022, tinulungan nila ang Airbnb.org na magsagawa ng panimulang pagsasalisik para maunawaan nang mas mabuti ang mga naranasan ng mga taong nakahanap ng pansamantalang matutuluyan sa panahon ng kagipitan sa pamamagitan ng Airbnb.org. Gamit ang nakalap na impormasyon, isasaayos namin ang aming pamamaraan para masubaybayan ang aming progreso at matiyak na natutupad namin ang aming pangako.
- Nagpapatupad ng mga pamamaraang nakatuon sa pagkakapantay-pantay. Nagsasalaysay kami ng mga kuwento na may pagsasaalang-alang sa trauma at mga alituntuning nakatuon sa pagkakapantay-pantay, na nagsisilbing gabay sa paggawa ng mga salaysay kasama ang mga bisita, host, at partner namin. Nakikipagtulungan kami sa malikhaing pagpapasya na rumerespeto sa gustong gamiting wika ng mga tao at kung paano nila gustong marepresenta.
- Nagtitiyak na kasama ang mga staff sa pangako naming siguruhin ang pagkakapantay-pantay. Bago matapos ang 2025, nilalayon namin na hindi bababa sa 33 porsyento ng mga manggagawa namin sa US ang mula sa mga minoryang kulang sa representasyon. Ang tinutukoy namin sa mga minoryang kulang sa representasyon sa US ay ang mga taong kinikilala ang kanilang sarili bilang kabilang sa isa o higit pa sa mga sumusunod na lahi/etnisidad: American Indian o Alaska Native, Black o African-American, Hispanic o Latinx, at Native Hawaiian o iba pang Pacific Islander.
Noong una naming ginawa ang pangakong ito, 19 na porsyento ng aming mga full-time staff ang mula sa mga minoryang kulang sa representasyon. Pagsapit ng Setyembre 30, 2022, 28 porsyento na ng full-time staff ng Airbnb.org ang mula sa mga minoryang kulang sa representasyon. Alam naming kailangang tuloy-tuloy kaming magsikap para maengganyo, mapanatili, at mapahusay ang mga taong may iba't ibang pinagmulan para patuloy na makatulong sa organisasyon ang iba't ibang pananaw nila. Patuloy naming isasapriyoridad ang pagkakapantay-pantay sa pagkuha at pagpapanatili ng mga manggagawa.
Layunin naming bumuo ng mga bagong paraan para tiyakin ang pagkakapantay-pantay sa aming ginagawa, tumulong sa mga komunidad na dumaan sa kagipitan, at mag-ambag sa pagbuo ng mundong nakatuon sa pagtanggap sa lahat at sa pag-ahon.