Nag-aalok ng mga matutuluyan sa panahon ng krisis
Nakikipagtulungan kami sa aming komunidad para mag-alok ng matutuluyan kapag may emergency, mula sa mga natural na sakuna hanggang sa mga malakihang kaguluhan.
Mula 2012, mahigit sa 250,000 tao na ang nakahanap ng lugar na matutuluyan sa panahon ng kagipitan
Sa tulong ng ating pandaigdigang komunidad ng mga host, donor, at partner na organisasyon, naihanap ng Airbnb.org ng pansamantalang matutuluyan ang mahigit sa 140,000 tao.
Paano nagsama-sama sina Carmen at ang kanyang komunidad pagkatapos ng Bagyong Maria.
Binibigyan namin ng paraan ang mga komunidad upang magtulong-tulong kapag may mga sakunang dumating. Sa pamamagitan ng mga programa ng Airbnb.org, puwedeng ialok ng mga tao ang kanilang mga bahay nang libre sa mga kapitbahay na kailangang lumikas.
Nakatulong na ang Airbnb.org sa 100,000 taong lumilikas dahil sa digmaan na makahanap ng mga lugar na matutuluyan.
Maaaring abutin nang ilang taon bago ganap na makabangon ang isang komunidad pagkatapos ng malubhang sakuna. Tinutulungan ng Airbnb.org na pondohan ang mga matutuluyan ng mga relief worker na nagsasagawa ng napakahalagang trabaho para muling itaguyod ang mga komunidad.
Pagbuo ng mundo kung saan tanggap ang lahat
Layunin ng Airbnb.org na bumuo ng mundo kung saan makakahanap ang kahit na sino ng lugar na matutuluyan na tatanggap sa kanila sa panahon ng kagipitan. Para maisakatuparan ang layuning ito para sa lahat, gumawa ang Airbnb.org ng hanay ng mga pangako kaugnay ng dibersidad, pagkakapantay-pantay, ingklusyon, at accessibility.