Paano kami nagsimula.
Nagmula sa isang host ang ideya
Tinamaan ng Bagyong Sandy ang Lungsod ng New York, isa sa pinakamalalang bagyo sa kasaysayan. Nakipag-ugnayan si Shell, isang Airbnb host sa Brooklyn, sa Airbnb at tinanong kung maaari niyang ialok ang kanyang lugar nang libre sa mga taong kailangang lumikas. Nagtrabaho nang mahabang oras ang Airbnb team upang mabilis na gawing available ito para sa mga lumikas, at kalaunan mahigit sa 1,000 host ang nag-alok ng kanilang mga tahanan para sa mga nangangailangan.
Ginawang posible ng Airbnb na makatulong ang mas maraming host
Inilunsad ng Airbnb ang tool sa pagtulong sa sakuna na nagbibigay-daan sa mga host sa buong mundo na ialok ang kanilang mga tuluyan nang libre sa panahon ng mga sakuna.
Binuksan ng mga host sa buong mundo ang kanilang mga pintuan sa mga relief worker
Naging aktibo ang Airbnb para sa lindol sa Nepal at mainit na tinanggap ng mga host ang unang grupo ng mga relief worker, kasama ang mga boluntaryo mula sa All Hands and Hearts.
Nakipagtulungan ang Airbnb sa mga nonprofit upang malaman kung paano makatulong
Binuo ang pakikipagtulungan sa Federal Emergency Management Agency (FEMA) upang makatulong sa pamamahagi sa mga host at bisita ng mga sanggunian para maging handa sa panahon ng emergency. Sa Greece at sa Balkans, nagsimulang makipagtulungan ang Airbnb sa Mercy Corps at International Rescue Committee upang magbigay ng pabahay para sa mga relief worker na nasa front line ng krisis sa mga Syrian refugee.
Nagsimula ring mag-alok ang Airbnb ng mga kaloob na pabahay sa 15+ organisasyon na nangangailangan ng pabahay para sa kanilang mga kliyente o staff, kabilang na ang Service Year Alliance, Make-a-Wish, at Summer Search.
Tumugon ang komunidad ng mga host sa Pulse nightclub shooting
Sa kahilingan ng lokal na pamahalaan, nagtulong-tulong ang Airbnb, Uber, at JetBlue upang magbigay ng pabahay, flight, at transportasyon sa lupa para sa mga pamilyang bumibiyahe para sa mga libing o pagdalaw sa mga mahal sa buhay na nasa ospital. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-alok ang komunidad ng mga host na mag-host ng mga taong apektado ng mass shooting.
Inilunsad ng White House ang isang Panawagan upang Umaksyon para sa Pakikipagtulungan ng Pribadong Sektor sa Pandaigdigang Krisis sa Refugee. Tumugon ang Airbnb. Ang co-founder ng Airbnb na si Joe Gebbia ay isa sa 20 executive na inimbitahan ni Pangulong Obama upang tumulong sa krisis sa refugee.
Nakipagtulungan ang Airbnb sa Make-a-Wish sa layuning magkaloob ng matutuluyan sa isang pamilya kada araw noong 2017.
Nangako ang Airbnb sa International Rescue Committee
Bilang tugon sa kautusang tagapagpaganap ng US na nagpapatigil sa lahat ng pagtanggap ng mga refugee at pansamantalang nagbabawal sa mga tao mula sa pitong bansa kung saan Muslim ang malaking bahagi ng populasyon, nilayon ng Airbnb na magkaloob ng matutuluyan sa mga naapektuhan ng pagbabawal. Bilang tugon, nangako rin ang Airbnb na magbibigay ito ng $4 na milyon sa loob ng 4 na taon sa International Rescue Committee upang suportahan ang mga pangangailangan sa tuluyan ng mga taong nawalan ng tirahan.
Opisyal na inilunsad ng Airbnb ang Open Homes
Noong World Refugee Day, inanunsyo ng Airbnb na paiigtingin nito ang kanilang pagsisikap para makapagkaloob ng mga tuluyan sa Open Homes. Sa pamamagitan ng programa, nagagawa ng komunidad ng mga host na ialok ang kanilang mga tuluyan nang libre sa mga taong naapektuhan ng mga sakuna o lumikas dahil sa kaguluhan.
Natulungan na ng komunidad ang higit sa 20,000 katao
Tumugon ang komunidad ng Open Homes sa 4 na sakuna nang sabay-sabay. Nangyari ang pinakamalaking pag-activate sa komunidad ng mga host noong Bagyong Harvey. Sa loob lang ng isang buwan, tumulong ang mga host sa higit 2,000 katao na lumikas sa 3 estado. Kasabay nito, inialok ng mga host ang kanilang mga tuluyan sa mga naapektuhan ng Bagyong Irma, Bagyong Maria, at ng lindol sa Lungsod ng Mexico.
Inanunsyo ng Airbnb ang inisyatibo sa mga panggamutang pamamalagi
Sa Biden Cancer Summit, nag-anunsyo ang Airbnb ng inisyatibo sa mga panggamutang pamamalagi sa pakikipagtulungan sa Hospitality Homes, Fisher House, at Make-A-Wish. Sa pamamagitan nito, magkakaloob ang komunidad ng Open Homes ng mga libreng lugar na matutuluyan sa mga bumibiyahe nang malayo para makapagpagamot.
Tumugon ang mga host sa dalawang magkaibang wildfire sa California
Pagkatapos ng Camp at Woolsey Fire sa California, higit sa 2,500 host ang nag-alok ng kanilang tuluyan, at higit sa 2,300 katao ang nakahanap ng lugar na matutuluyan.
Bumuo ang Airbnb ng paraan para makapagbigay ng donasyon ang mga host upang suportahan ang Open Homes
Gusto ng mga host ng mas maraming paraan para makibahagi sa Open Homes. Bilang tugon, nag-anunsyo ang Airbnb ng platform para sa pagbibigay ng donasyon na magagamit ng mga host para magbigay ng porsyento ng kanilang mga kita sa mga nonprofit na partner ng Open Homes upang makatulong na pondohan ang mga tuluyan ng mga nangangailangan.
Nag-aalok ang mga host ng matutuluyan sa higit 1,000 katao na naapektuhan ng mga bushfire sa New South Wales at Victoria sa Australia. Ito ang naitalang pinakamalaking internasyonal na pag-activate sa Open Homes.
Tumutugon ang komunidad ng mga host sa pandemyang COVID-19
Nag-anunsyo ang Airbnb ng paraan para makapagkaloob ang mga host ng matutuluyan sa mga healthcare worker at first responder na nangungunang lumalaban sa pandemya.
Pinapalawak ng Airbnb ang platform nito para sa pagbibigay ng donasyon, upang makapagbigay ng donasyon ang kahit na sino sa mga nonprofit na tumutulong sa mga frontline worker na makahanap ng lugar na matutuluyan.
Inanunsyo ng Airbnb ang Airbnb.org
Itinatag ng Airbnb ang Airbnb.org, at kinilala nito ang lahat ng makabuluhang ginagawa ng mga host at partner sa pamamagitan ng Open Homes. Bilang hiwalay na nonprofit, tutuon ang Airbnb.org sa pagtulong sa mga tao na magbahagi ng mga tuluyan at mapagkukunan sa isa't isa sa panahon ng kagipitan.
Napakahalaga ng pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at walang pagkiling
Para makatulong na lumikha ng mundo kung saan tanggap ang lahat, inaanunsyo ng Airbnb.org sa publiko ang isang serye ng mga pangakong maghatid ng pagbabago para sa pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at walang pagkiling.
Malugod na tinatanggap ng Airbnb.org ang mga Afghan refugee
Nangangako ang Airbnb.org na magbigay ng pansamantalang tuluyan sa 20,000 Afghan refugee sa iba't ibang panig ng mundo. Nagmumula ang mga pondo sa mga pangunahing nagbibigay ng donasyon at sa Airbnb. Nakikipagtulungan nang mabuti ang Airbnb.org sa mga ahensya at partner sa paglilipat ng tirahan para tumugon sa mabilis na nagbabagong sitwasyon.
Naabot ng Airbnb.org ang pangunahing milestone na makapagbigay ng matutuluyan sa 100,000 bisita
Noong 2017, naglakas-loob ang isang team na magbigay ng panandaliang pabahay sa 100,000 bisita sa panahon ng krisis. Kalaunan ay naging Airbnb.org ang team na iyon. Pagdating ng Disyembre 2021, nalampasan na ng Airbnb.org ang nakatakdang target.
20,000 Afghan refugee ang tumutuloy sa libreng pansamantalang tuluyan
Tumutulong ang Airbnb.org sa 100,000 tao na lumilikas mula sa Ukraine na makahanap ng mga lugar na matutuluyan
Tumugon ang Airbnb.org sa mga lindol sa Türkiye at Syria
Inanunsyo ng Airbnb.org ang bagong Inisyatiba sa Sponsorship
Mahigit 1,800 taong naapektuhan ng mga sunog sa Maui ang nabigyan ng pang‑emergency na matutuluyan
Kilalanin ang aming lupon.
Jennifer Bond
Jay Carney
Joe Gebbia
Sharyanne McSwain
Catherine Powell
Rich Serino
Jocelyn Wyatt
Paano kami kumikilos.
Pakikipag-partner sa mga nonprofit
Nagbibigay ang Airbnb.org ng mga kaloob sa mga nonprofit na nagkokonekta sa mga tao sa mga pansamantalang tuluyan, at nagbibigay ng mga pangunahing kailangan at espesyalistang suporta sa mga panahon ng krisis. Nagbibigay din kami ng access sa libre at may diskuwentong tuluyan na inaalok ng komunidad ng mga Airbnb host.
Pamumuhunan sa pagkakapantay-pantay
Naniniwala kami sa paggamit ng aming kakayahan at mga mapagkukunan upang makapag-ambag sa isang mas makatarungang mundo. Namumuhunan ang Airbnb.org sa mga organisasyong may mga estratehiya at programa na nakaayon sa aming paninindigan sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa mga komunidad.
Pag-unawa sa dala naming epekto
Layunin naming imapa ang epekto ng aming programa sa pagpopondo at pabahay sa pagpapabuti ng kapakanang psychosocial, pagpapagaan ng pasanin sa pananalapi, at pagpapatibay ng komunidad at pagiging tanggap para sa mga bisita.
Mga partnership at kaloob na tulong
Hindi tumatanggap ang Airbnb.org ng mga kahilingan sa pagpopondo sa ngayon. Magbabahagi kami ng impormasyon tungkol sa nalalapit naming cycle para sa kaloob nang direkta sa mga kwalipikadong nonprofit.
Paano kami nakikipagtulungan sa Airbnb, Inc.
Ang Airbnb.org ay isang independiyente at pampublikong sinusuportahang 501(c)(3) na nonprofit na organisasyon. Ginagamit ng Airbnb.org ang teknolohiya, mga serbisyo, at iba pang sanggunian ng Airbnb, Inc. nang walang bayad upang maisakatuparan ang mapagkawanggawang layunin ng Airbnb.org. Ang Airbnb.org ay isang hiwalay at independiyenteng entidad mula sa Airbnb, Inc. Hindi naniningil ang Airbnb, Inc. ng mga bayarin sa serbisyo para sa mga sinusuportahang tuluyan ng Airbnb.org sa platform nito.
Binuo ng Airbnb ang programang Open Homes bilang isang paraan upang matulungan ang mga taong nangangailangan ng mga pansamantalang tuluyan, at binigyang-inspirasyon ito ng mga bukas-palad na Airbnb host. Kasalukuyang inililipat ang programang Open Homes sa Airbnb.org, at lalong pauunlarin ng Airbnb.org ang bunga ng mga pagsisikap ng programa, nang naaayon sa mapagkawanggawang layunin at misyon ng Airbnb.org.