Tulungan ang isang pamilya na makahanap ng matutuluyan

Larawan ng tuluyan na may mga ilaw at tanawin ng lungsod na nagniningning sa likod nito.

Gagamitin ang 100% ng mga donasyon para pondohan ang mga pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong nangangailangan.

Magbigay ng donasyon

Tuluyang hindi lang basta tulugan

Hindi lang matutuluyan ang ibinibigay ng Airbnb.org sa mga tao. Sa pamamagitan nito, nakakapagpahinga, nakakabangon, at nagagawa nilang manatili malapit sa mga komunidad nila sa panahon ng krisis. Dahil sa mga tuluyan, nakakapagluto sila ng pagkain sa kusina, nakakatulog ang mga bata sa tahimik na kuwarto, o nakakapaglaro sa bakuran ang mga alagang hayop nila.
Larawan ng pamilyang binubuo ng ama, ina, at anak na naglalakad papasok sa isang tuluyan sa unang pagkakataon matapos silang lumikas mula sa sakuna.

Ang proseso nito

Alerto

Kapag may sakuna

Tumutugon kami sa buong mundo para sa mga baha, wildfire, lindol, at marami pang iba. Nagbibigay kami ng matutuluyan sa mga taong nangangailangan sa pamamagitan ng mga pinagkakatiwalaang lokal na partner sa mismong lugar.
Susi ng mga bisita

Libre ang pamamalagi ng mga bisita

Kapag nasuri na, nakakatanggap ang mga bisita ng mga credit sa matutuluyan na magagamit nila para mag‑book nang libre ng Airbnb na nakakatugon sa mga pangangailangan nila. Sinasagot ng Airbnb ang mga gastos sa pagpapatakbo ng Airbnb.org at hindi ito kumikita sa mga pamamalagi sa Airbnb.org, kaya direktang napupunta ang 100% ng mga donasyon sa pagpopondo ng mga pang‑emergency na matutuluyan.
Tuluyan

Mga bayani ang mga host

Nakakapamalagi ang mga bisita nang libre dahil sa mga donasyon. Mababayaran pa rin ang mga host at makakatulong ang mga diskuwento para mas makasulit.

Nakakatulong ang mga host para maging posible ito

Binubuksan ng mga host ang mga patuluyan nila para sa mga taong nangangailangan kapag may krisis, kabilang ang mga kapitbahay, first responder, at boluntaryo.

Makibahagi

Makiisa sa libo‑libong host na tumutulong sa mga taong nangangailangan kapag may krisis

Kinakausap ni Eshele, isang bisita sa Airbnb.org, ang host niyang si Inessa.

Mag‑alok ng ligtas na lugar na matutuluyan

Mag‑host ng pamilyang nangangailangan. Nakakatulong ang diskuwento sa mga bisitang nangangailangan na gamitin ang pondo nila para makapamalagi nang mas maraming araw sa Airbnb.org.
Matuto pa
Dalawang bisita sa Airbnb.org na magkahawak ang kamay

Maging donor

Direktang gagamitin ang 100% ng donasyon mo para sa matutuluyan ng pamilyang nangangailangan.
Magbigay ng donasyon ngayon