Tulong para sa Bagyong Melissa
Tumulong na magbigay ng libreng pang‑emergency na matutuluyan sa mga taong naapektuhan ng Bagyong Melissa.
Magbigay ng donasyonTulong para sa Bagyong Melissa
Tumulong na magbigay ng libreng pang‑emergency na matutuluyan sa mga taong naapektuhan ng Bagyong Melissa.
Magbigay ng donasyon
Paano kami rumeresponde
Para suportahan ang mga naapektuhan ng Bagyong Melissa, nakikipagtulungan ang Airbnb.org sa mga organisasyon kabilang ang All Hands & Hearts, Church World Service, Haiti Air Ambulance, International Organization for Migration (IOM), Project HOPE, Team Rubicon, at iba pa, para makapagbigay ng matutuluyan para sa mga team nila ng first responder sa buong Caribbean.Sa Jamaica, direktang nakikipagtulungan ang Airbnb.org sa IOM at mga opisyal ng pamahalaan para makapagbigay ng libreng pang‑emergency na matutuluyan para sa mahahalagang manggagawa at taong nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.
Paano makakatulong

Magbigay ng donasyon
Gagamitin ang 100% ng donasyon mo para pondohan ang pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong naapektuhan ng Bagyong Melissa at iba pang kalamidad.

Magbigay ng lugar na matutuluyan
Kung Airbnb host ka, mag‑alok ng may diskuwentong matutuluyan sa Airbnb mo para sa mga apektadong residente o first responder.
Mga Madalas Itanong
Paano ako makakakuha ng pang-emergency na matutuluyan sa Airbnb.org?
Kasalukuyang hindi tumatanggap ang Airbnb.org ng mga direktang aplikasyon para sa mga taong humihingi ng pang-emergency na tulong. Sa halip, makikipagtulungan ang Airbnb.org sa mga entidad ng pamahalaan at mga lokal na nonprofit partner para maghanap ng mga taong nangangailangan ng mga pang‑emergency na matutuluyan. Matuto pa
Sino ang kwalipikadong mag‑book ng tuluyan sa Airbnb.org?
Posibleng kwalipikadong mag‑book ng pang‑emergency na matutuluyan sa Airbnb.org ang mga taong naapektuhan ng Bagyong Melissa kabilang ang mga nawalan ng tirahan at mga relief worker na opisyal na itinalagang tumulong. Nakikipagtulungan ang Airbnb.org sa mga entidad ng pamahalaan at mga nonprofit partner para matukoy ang pagiging kwalipikado. Matuto pa
Puwede ko bang ialok ang tuluyan ko nang walang diskuwento sa Airbnb para sa mga bisita at ialok din ito nang libre o may diskuwento sa Airbnb.org kapag may emergency?
Oo. Isa lang ang kalendaryo mo para hindi madoble ang pag‑book ng mga bisita sa patuluyan mo.
Paano ko malalaman na mula sa Airbnb.org ang booking?
Aabisuhan ang mga host sa panahon ng pagbu‑book kapag para sa pang-emergency na matutuluyan sa Airbnb.org ang kahilingan sa pagpapareserba.
Ano ang mangyayari kapag natapos ang pamamalagi ng bisita?
Responsable ang mga bisita ng Airbnb.org sa pag‑check out sa napagkasunduang oras ayon sa nakatala sa reserbasyon. Sakaling hindi makapag‑check out ang bisita, may nakatalagang team ng mga dalubhasang support agent ang Airbnb na makikipagtulungan sa bisita para makapag‑check out na siya.
Hindi ako Airbnb host, pero gusto kong ialok ang tuluyan ko dahil sa mga kalamidad. Ano ang dapat kong gawin?
Puwede kang mag‑sign up para mag‑host sa Airbnb.org lang. Ibig sabihin nito, magho‑host ka lang ng mga bisitang nangangailangan ng mga pang-emergency na matutuluyan at iaalok mo ang patuluyan mo nang libre. Hindi mabu‑book ng mga bisita ang patuluyan mo para sa mga pamamalaging hindi pang-emergency.
Sino ang natutulungan ng donasyon ko?
Gagamitin ang donasyon mo sa Airbnb.org para pondohan ang pang‑emergency na matutuluyan para sa mga pamilya at first responder na nangangailangan ng lugar na matutuluyan dahil sa Bagyong Melissa o iba pang kalamidad.Gagamitin ang 100% ng donasyon mo para pondohan ang libreng pang‑emergency na matutuluyan para sa mga taong naapektuhan ng kalamidad—hindi para sa mga gastos sa pagpapatakbo. Sagot ng Airbnb ang mga gastos sa pagpapatakbo para sa Airbnb.org. Pinapatakbo nang hiwalay ang Airbnb.org bilang isang 501(c)(3) na nonprofit.
Matuto pa tungkol sa mga pagresponde namin
Kilalanin ang mga taong naapektuhan ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.



