Wildfire sa Jasper

Naging malalim ang pagkakaibigan nina Roie at Jelly pagkatapos ng wildfire

Dalawang babaeng magkasamang nakatayo at nakangiti
Two women are standing together smiling

Lumipat sa Jasper, Canada si Roie mula sa Pilipinas para magtrabaho at tumira kasama ang pamilya ng kapatid niya. Naging bahagi siya ng lokal na komunidad at naramdaman niyang doon na talaga niya gustong tumira.Pagkatapos, noong Hulyo 2024, sinalanta ng wildfire ang magandang bayan sa bundok. Mahigit 25,000 tao ang napilitang lumikas at nasira ang 30% ng mga istruktura sa Jasper. Kasama rito ang bahay nina Roie at ng kapatid niya.

Babaeng nakatayo sa isang bakanteng lote kung saang dating nakatayo ang bahay niya

Dahil walang siguradong matutuluyan, hindi malaman ni Roie kung ano ang gagawin. Doon niya nalaman ang tungkol sa pang-emergency na matutuluyan sa Airbnb.org.Nakapag-book si Roie ng libreng matutuluyan sa Airbnb.org sa lokal na Superhost na si Jelly. 40 taon nang nakatira sa Jasper si Jelly. “Napakalaking tulong nito sa akin,” sabi ni Roie. “Nabigyan ako nito ng panibagong simula.”

“Parang nag-therapy ang kaluluwa ko.”

Babaeng nakatayo sa bahay na nakatingin sa malayo

Isang buwang nakituloy si Roie kina Jelly. Ginamit niya ang panahong iyon para buuin ang pangmatagalang planong mamalagi sa Jasper at tumanggap ng tulong. “Nakapagluto ako para sa sarili ko, nakapagrelaks ako, nakapagkape sa bintana, nakapanood ng mga tren,” sabi niya. “Parang nag-therapy ang kaluluwa ko.”

Dalawang babaeng nakaupo nang magkatapat at nagkukuwentuhan sa isang hardin.

Isa si Roie sa pitong bisita ni Jelly bilang host sa Airbnb.org. Nakabuo sila ng malalim na pagkakaibigan. Itinatayo ulit nina Roie at ng kapatid niya ang bahay nila para salubungin ang bago nilang kabanata sa Jasper.

Makibahagi

Sumali sa pandaigdigang komunidad na nagbibigay ng pang-emergency na matutuluyan sa oras ng sakuna.

Matuto pa

May kuwento ang bawat pamamalagi

Kilalanin ang mga taong apektado ng mga kalamidad at ang mga taong tumulong.