Tulungan ang mga apektado ng baha sa Valencia at Castellón
Nagbibigay ang Airbnb.org ng libreng matutuluyan sa mga taong nawalan ng tirahan at first responder.
Misyon ng Airbnb.org na gawing posible ang pagpapagamit ng tuluyan, pagbabahagi ng mga mapagkukunan, at pagbibigay ng suporta sa panahon ng kagipitan.
Kilalanin ang aming komunidad
Nasira ng digmaang sibil ang lahat ng naipundar nila. Ngayon, nagsisimula na sila ng bagong buhay na malayo sa dati nilang tahanan sa tulong ng bagong komunidad.
Sa tulong ng ating pandaigdigang komunidad ng mga host, donor, at partner na organisasyon, naihanap ng Airbnb.org ng pansamantalang matutuluyan ang mahigit sa 140,000 tao.
Paano nagsama-sama sina Carmen at ang kanyang komunidad pagkatapos ng Bagyong Maria.
Nakatulong na ang Airbnb.org sa mahigit 135,000 taong lumilikas dahil sa digmaan na makahanap ng mga lugar na matutuluyan.
Maaaring abutin nang ilang taon bago ganap na makabangon ang isang komunidad pagkatapos ng malubhang sakuna. Tinutulungan ng Airbnb.org na pondohan ang mga matutuluyan ng mga relief worker na nagsasagawa ng napakahalagang trabaho para muling itaguyod ang mga komunidad.
Pagbuo ng mundo kung saan tanggap ang lahat
Layunin ng Airbnb.org na bumuo ng mundo kung saan makakahanap ang kahit na sino ng lugar na matutuluyan na tatanggap sa kanila sa panahon ng kagipitan. Para maisakatuparan ang layuning ito para sa lahat, gumawa ang Airbnb.org ng hanay ng mga pangako kaugnay ng dibersidad, pagkakapantay-pantay, ingklusyon, at accessibility.