Bigyan ang mga tao ng lugar na matutuluyan sa panahon ng krisis.

Mag-host ng tuluyan.

Kapag may emergency, makakatulong ka sa komunidad mo sa pamamagitan ng pag-aalok ng lugar na matutuluyan sa mga taong nangangailangan, kabilang ang mga refugee.
Magsimulang mag-host
Sino ang tutulungan mo
Puwedeng makapamalagi nang komportable sa iyong tuluyan ang pamilyang lumikas dahil sa wildfire, refugee na naglalakbay para sa kanyang buhay, o relief worker na ipinadala para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
  • “Batid naming nahaharap sa panganib ang mga essential worker sa mga lugar kung saan sila nagtatrabaho. Ang ideyang paano kami makakatulong sa nakararami?”

    Erika, host ng Airbnb.org para sa mga frontline worker

Paglalakbay na pamamalagi

Paano magsimulang mag-host

Handa ka na bang mag-sign up? Gagabayan ka namin sa paggawa ng iyong listing at pagbabahagi nito sa mga bisita. Para makapagsimula, kailangan mo lang ng komportableng lugar at availability nang ilang gabi.

Sinusuri ang pagiging kwalipikado at pagkakakilanlan ng bisita

Para sa ilang pamamalagi, kinukumpirma ng Airbnb.org ang pagkakakilanlan at pagiging kwalipikado ng bisita. Para sa iba pang pamamalagi, nakikipagtulungan ang Airbnb.org sa mga piling organisasyon para beripikahin ang pagkakakilanlan ng mga bisita pati na rin ang pangangailangan nila ng pansamantalang matutuluyan. Kadalasan, magagawa mong makipag-chat sa mga kinatawan ng programa o potensyal na bisita habang nasa proseso ng pagbu-book.

Handa kaming tumulong

Nagbibigay ang Airbnb sa mga host at bisita ng AirCover. Kasama sa AirCover para sa mga Host ang $1 milyong USD na insurance sa pananagutan, $3 milyong USD na proteksyon sa pinsala, at higit pa. May nalalapat na ilang partikular na limitasyon at pagbubukod.

Magbigay ng donasyon para sa mga pamamalagi.

Milyon-milyong tao sa iba't ibang panig ng mundo ang nawawalan ng tirahan dahil sa kaguluhan at sakuna. Nakakatulong ang mga donasyon na mabayaran ang mga gastos sa mga pansamantalang matutuluyan.
Magbigay ng donasyon ngayon
Gagamitin ang 100% ng donasyon mo para suportahan ang mga taong nangangailangan.
Wala kaming sinisingil na bayarin sa serbisyo, kaya magagamit ang bawat dolyar na ibibigay mo sa pagtulong sa mga tao na makahanap ng lugar na matutuluyan kapag kailangang-kailangan nila nito. Puwedeng makatulong ang iyong kontribusyon sa pamilyang refugee na makahanap ng lugar na matutuluyan sa kanilang pagdating, o sa relief worker na makapagpahinga pagkatapos ng nakakapagod na trabaho.
  • “Dumating ako sa bansang ito bilang refugee at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tumulong gaya ng pagtulong sa akin.”

    Aime, nagbibigay ng donasyon sa Davie, Florida, USA

    “Tatlumpu't limang taon na akong nakikibahagi sa pagpapaunlad, serbisyo, at pagtulong sa komunidad. Naniniwala ako sa pagtulong sa iba sa paraang ramdam ang epekto, sustainable, at nakakapagpaunlad.”

    Michael, nagbibigay ng donasyon sa Philadelphia, Pennsylvania, USA

Paano higit na nakakatulong ang iyong donasyon

Nagbibigay din ng donasyon ang Airbnb

Mayroon kaming team ng mga eksperto sa nonprofit at teknolohiya na nagsisikap para mapalawak pa ang epekto ng aming adhikain. Sagot ng Airbnb ang lahat ng gastusin sa pagpapatakbo para maging posible iyon.

Walang sinisingil na bayarin sa pagpoproseso

Wala kaming kinukuhang komisyon, kaya gagamitin ang bawat dolyar na ibibigay mo sa pagtulong sa mga tao na makahanap ng matutuluyan kapag kailangang-kailangan nila nito.

Maibabawas sa kabuuang halaga ng binubuwisang kita ang mga donasyon

Maibabawas sa kabuuang halaga ng binubuwisang kita ang iyong donasyon sa sukdulang pinapahintulutan ng mga lokal na batas. Makakatanggap ka ng resibo ng buwis para matulungan kang subaybayan ang ibinabawas sa iyo.

Sagot sa iyong mga tanong.

Kilalanin ang aming mga host at bisita.

Bumuo tayo ng koneksyon.