Pagtugon sa panahon ng krisis
  • Pagtanggap sa mga refugee

    Mahigit 210,000 refugee at asylum seeker na ang nakatanggap ng libreng pansamantalang tuluyan sa pamamagitan ng Airbnb.org.

Misyon ng Airbnb.org na gawing posible ang pagpapagamit ng tuluyan, pagbabahagi ng mga mapagkukunan, at pagbibigay ng suporta sa panahon ng kagipitan.

Nakapagbigay na kami ng mahigit 1.4 na milyong gabi ng libreng pang-emergency na matutuluyan sa mahigit 220,000 tao mula noong maitatag ang Airbnb.org noong 2020.

Kilalanin ang aming komunidad

Pangunahin sa misyon namin ang mga host at bisita ng Airbnb.org.

Nasira ng digmaang sibil ang lahat ng naipundar nila. Ngayon, nagsisimula na sila ng bagong buhay na malayo sa dati nilang tahanan sa tulong ng bagong komunidad.

Sa tulong ng ating pandaigdigang komunidad ng mga host, donor, at partner na organisasyon, naihanap ng Airbnb.org ng pansamantalang matutuluyan ang mahigit sa 140,000 tao.

Paano nagsama-sama sina Carmen at ang kanyang komunidad pagkatapos ng Bagyong Maria.

Nakatulong na ang Airbnb.org sa mahigit 135,000 taong lumilikas dahil sa digmaan na makahanap ng mga lugar na matutuluyan.

Maaaring abutin nang ilang taon bago ganap na makabangon ang isang komunidad pagkatapos ng malubhang sakuna. Tinutulungan ng Airbnb.org na pondohan ang mga matutuluyan ng mga relief worker na nagsasagawa ng napakahalagang trabaho para muling itaguyod ang mga komunidad.

Pagbuo ng mundo kung saan tanggap ang lahat

Layunin ng Airbnb.org na bumuo ng mundo kung saan makakahanap ang kahit na sino ng lugar na matutuluyan na tatanggap sa kanila sa panahon ng kagipitan. Para maisakatuparan ang layuning ito para sa lahat, gumawa ang Airbnb.org ng hanay ng mga pangako kaugnay ng dibersidad, pagkakapantay-pantay, ingklusyon, at accessibility.

Tinutulungan namin ang ibang nonprofit na makagawa ng panghabambuhay na epekto sa buhay ng mga tao.

Kilalanin ang ilan naming partner na tumulong sa paghubog ng Airbnb.org.
Tumutugon ang IRC sa pinakamalalaking krisis sa pagkakawanggawa sa mundo, at tumutulong ito sa mga taong nasira ang buhay at kabuhayan dahil sa kaguluhan at sakuna upang makaligtas, makabawi, at mapangasiwaan ang kanilang kinabukasan.
Ang Build Change ay isang organisasyon para maiwasan at makabawi sa panahon ng sakuna at nagdidisenyo ito ng matatag na mga sa pabahay kasama ang mga lokal na komunidad.
Ang HIAS ay isang Jewish na pandaigdigang organisasyong nonprofit na nagbibigay ng proteksyon at tulong sa mga refugee, asylum seeker, at iba pang sapilitang pinaalis na populasyon sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng Community Sponsorship Hub, nagkakaroon ang mga komunidad sa iba't ibang bahagi ng United States ng pagkakataong magpatuloy ng mga refugee at iba pang taong nawalan ng tirahan.