Tumulong na magbigay ng matutuluyan sa 100,000 refugee na lumilikas mula sa Ukraine
Mag-alok ng mga pamamalagi nang libre o may diskuwento sa pamamagitan ng Airbnb.org, o magbigay ng donasyon para mas malayo pa ang marating ng ating pondo.
May mabuting naidudulot ang iyong suporta
Naglalaan ng pondo ang Airbnb.org para sa panandaliang matutuluyan ng hanggang 100,000 taong lumilikas mula sa Ukraine. Sinusportahan namin ang mga bisitang refugee anuman ang kanilang nasyonalidad, lahi, etnisidad, o inihahayag na pagkakakilanlan.
Makakatulong ka sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga pansamantalang pamamalagi nang libre o may diskuwento sa pamamagitan ng Airbnb.org, o pagbibigay ng donasyon para mapondohan ang mga pamamalagi.
Mag-alok ng lugar na matutuluyan
Magsimulang mag-host ng mga bisita nang libre o may diskuwento.
Ang proseso ng pagho-host
- Magbibigay ka ng komportableng higaan at mga pangunahing amenidad sa loob ng ilang araw hanggang ilang linggo. Matuto pa tungkol sa pagho-host ng mga bisitang refugee
- Nakikipagtulungan ang Airbnb.org sa mga nonprofit na sumusuri sa pagiging kwalipikado ng mga bisitang refugee at tumutulong sa kanila bago, sa panahon ng, at pagkatapos ng kanilang mga pamamalagi.
- Nagbibigay ang Airbnb sa mga host ng AirCover: $1 milyong USD na insurance sa pananagutan, $3 milyong USD na proteksyon sa pinsala, at higit pa—nang walang gastusin para sa mga host. May nalalapat na ilang partikular na limitasyon at pagbubukod.
Magbigay ng donasyon
Nakakatulong ang bawat donasyon na matugunan ang matinding pangangailangan para sa mga pang-emergency na matutuluyan para sa mga taong lumilikas mula sa Ukraine at iba pang nakakaranas ng kagipitan.
Proseso ng pagdo-donate
- Mapupunta ang 100% ng donasyon mo sa pagbibigay ng panandaliang matutuluyan sa mga tao.
- Ganap na libre ang mga pamamalagi para sa mga bisita ng aming programa.
- Tax deductible ang mga donasyon sa abot ng pinapahintulutan ng mga lokal na batas sa pagbubuwis.
Kailangan mo ba ng tulong?
Hindi kami direktang nag-aalok ng matutuluyan sa mga indibidwal sa ngayon. Nakikipagtulungan ang Airbnb.org sa iba pang nonprofit partner na nagbu-book at nangangasiwa ng mga pamamalagi para sa mga bisitang refugee.
Ang ginagawa ng aming mga nonprofit partner
Mga nonprofit ang aming mga partner na tumutulong sa malugod na pagtanggap sa mga refugee. Sinusuportahan ng mga organisasyong ito ang kanilang mga kliyente sa paghahanap ng matutuluyan at higit pa. Tumatanggap ng mga mungkahing nonprofit sa pamamagitan ng imbitasyon lang.
Ang ginagawa ng Airbnb.org
Nagbibigay ang Airbnb.org ng mga kaloob at teknolohiya sa aming mga nonprofit partner na nangangasiwa ng pansamantalang matutuluyan para sa kanilang mga kliyente.
Paano nag-aambag ang Airbnb
Pagsuporta sa Mga Host
Nagbibigay ang Airbnb sa mga host ng AirCover: $1 milyong USD na insurance sa pananagutan, $3 milyong USD na proteksyon sa pinsala, at higit pa—nang walang gastusin para sa mga host. May nalalapat na ilang partikular na limitasyon at pagbubukod.
Mga pinopondohang pamamalagi
Nag-aambag ng pondo ang Airbnb at ang mga donor para sa mga pansamantalang pamamalagi ng hanggang 100,000 refugee na lumilikas mula sa Ukraine.
Pagtatanggal ng mga bayarin
Tinatanggal ng Airbnb ang mga bayarin ng mga host at bisita sa lahat ng pamamalagi sa Airbnb.org para sa mga refugee.